Kampo ni Jalosjos Jr, umapela sa SC na huwag munang paupuin si Robert Uy bilang mambabatas ng Zamboanga del Norte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela ang kampo ni Romeo Jalosjos Jr. sa Korte Suprema hinggil sa desisyon nito na paupuin si Robert Uy bilang duly-elected representative ng Zamboanga del Norte.

Sa isinumiteng ‘immediate executory motion for reconsideration’ ng kampo ni Jalosjos sa Supreme Court, sinabi ng abogado nito na si Atty. Edward Guialogo na hindi dapat maging final at executory ang naturang kautusan ng Korte Suprema dahil mababalewala ang kanilang ‘motion for reconsideration’.

Sa oras kasi aniya na mapaupo at naging miyembro ng Kamara si Uy ay mawawalan na ng hurisdiksyon ang Kataas-taasang Hukuman sa kaso at mapupunta na sa House of Representatives.

Paliwanag nito, ang lahat naman ng kaso ay may karapatang i-apela subalit sa oras na ipatupad agad ng SC ang kanilang desisyon ay mababalewala na ang apela ni Jalosjos.

Nag-ugat ang kaso sa pagkakaproklama kay Jalosjos ng Commission on Elections bilang Congressman ng Zamboanga del Norte kung saan, sa inisyal na bilangan, si Uy ang nanalo subalit dahil idineklara ng Comelec na ‘nuisance candidate’ ang nagngagalang Frederico Jalosos, lahat ng boto nito ay napunta kay Romeo Jalosjos Jr. dahilan ng kanyang pagkakapanalo. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us