Kandidato na kagawad at anak, sugatan sa pamamaril sa Ilocos Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Police Major Henry Garcia, Chief of Police sa Santiago Municipal Police Station ang nangyaring pamamaril sa mag-ama sa Brgy. Butol, Santiago, Ilocos Sur.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas Laoag kay Major Garcia, sinabi nito na ang binaril na ama ay isang incumbent Barangay Chairman ng naturang lugar ngunit kandidato bilang Barangay Kagawad.

Aniya, nasa maayos na kondisyon ang mag-ama matapos ilipat sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando, La Union.

Base sa imbestigasyon, sinabi ni Garcia na habang nakasakay sa tricycle ang kandidato kasama ang kanyang anak na babae ay pinara umano ng hindi pa nakikilalang suspek at biglang binuksan ang pintuan ng sidecar at binaril ito.

Agad namang tumakas ang naturang suspek habang dinala ng pamilya ang mag-ama sa Candon General Hospital, Tablac, Candon City, Ilocos Sur at inilipat sa La, Union.

Nagtamo ng long gun shot wound sa kanang pisngi at lumabas ang bala sa kaliwang panga habang tinamaan sa kanang kamay ang anak na babae.

Dagdag ng hepe na patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng insidente at hindi pa makumpirma kung may kaugnayan ito sa Barangay at SK Election.| ulat ni Ranie Dorilag

📸Santiago MPS

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us