Nilagdaan ngayong hapon sa Camp Crame ang isang Memorandum of Agreement ukol sa “Kontra Bigay Program” sa pagitan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Commission on Elections (COMELEC).
Ang kasunduan na naglalaman ng mga responsibilidad ng DILG at COMELEC sa pagpapatupad ng Comelec Resolution 10946, laban sa vote buying at vote selling ay nilagdaan ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. at Comelec Chairperson George Garcia.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Chairperson Garcia na ang pamimili ng boto ang kanser ng demokrasya, at kung pahihintulutan ito ay mawawalan ng saysay ang resulta ng eleksyon.
Sinabi naman ni Sec. Abalos, na may panganib na ang perang ipinangbibili ng boto ay galing sa droga o kriminalidad, at sisingilin din ang bansa kung mga kriminal ang makakpwesto.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Abalos, na sa pagkakaisa ng sambayanan ay kayang wakasan ang pamimili ng boto, hindi lang sa darating na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections kung hindi sa mga susunod pang eleksyon. | ulat ni Leo Sarne