Las Piñas LGU, namahagi ng ayuda sa mga nasunugan sa Barangay Almanza Uno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas ng ayuda para sa mga biktima ng sunog nitong Miyerkules sa Barangay Almaza Uno.

Kasama ang City Social Welfare and Development Office, City Health Department, Office of the City Disaster Risk Reduction Management, at Office of the Media and Public Affairs Office, personal na nagtungo sa evacuation center si Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar sa Almanza Uno Covered Court, kung saan pansamantalang nanunuluyan ang 41 pamilyang nasunugan sa Lopez Martel Compound, Barangay Almanza Uno.

Namahagi ito ng “Dignity Kit” na naglalaman ng relief goods, sleeping kit, at hygiene kits sa mga biktima ng sunog.

Siniguro rin ng bise alkalde ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima habang inaayos pa ang kanilang mga tahanan.

Samantala, kasalukuyan pa rin iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang sunog sa Lopez Martel Compound, Barangay Almanza Uno. Wala namang nasawi o nagtamo ng sugat sa nasabing sunog na sumiklab kahapon, 9:15 ng umaga at idineklarang fire out, 11:15 ng gabi. | ulat ni AJ Ignacio

📷: Las Piñas LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us