Pinaalalahanan ng Quezon City Police District (QCPD) ang publiko na umiiral na ang liquor ban sa lungsod Quezon simula ngayong araw hanggang bukas ng alas 11:59 ng gabi, Oktubre 30.
Alinsunod sa Commission on Election (COMELEC) Resolution No. 10902, hindi na pinapayagan ang pagbenta, pagbili at pag-inom ng anumang klase ng alak sa buong bansa simula ngayong araw hanggang sa araw ng eleksyon.
Nagbabala si QCPD Director, Police Brigadier General Redrico Maranan sa lahat ng lalabag na aarestuhin at kakasuhan.
Samantala, naghahanda na rin ang QCPD na mag-deploy ng sapat na bilang ng pulisya para masiguro ang ligtas at patas na eleksyon sa lungsod.
Tiniyak din ni General Maranan na hindi makakaapekto sa regular anti-criminality operations ang gagawing deployment para sa eleksyon.| ulat ni Rey Ferrer