LRT-2, balik operasyon na kasunod ng nangyaring magnitude 5 na lindol sa Calaca, Batangas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik-operasyon na ang LRT-2 matapos ang naramdamang magnitude 5 na lindol sa Calaca, Batangas.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), ligtas at walang structural defects na nakita sa lahat ng istasyon at mga riles ng LRT-2.

Ito ay matapos ang isinagawang safety inspection sa mga pasilidad ng linya para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng kawani at mga pasahero.

Pansamantalang itinigil ang operasyon dahil sa nangyaring lindol kaninang umaga.

Nagpaalala naman ang LRTA sa publiko na huwag mag-panic at maging alerto kapag may lindol. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us