Nakaalerto na ang Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas 2023.
Ito ay upang matiyak na makapagbibigay ng ligtas at maginhawang biyahe sa mga pasahero.
Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, naka-full force na ang mga tauhan ng LRTA at tiniyak nito ang kahandaan na umalalay sa mga pasahero sa halalan at undas.
Nauna rito ay inatasan ng Department of Transportation ang lahat ng pampublikong transportasyon na tiyakin na mabibigyan ng ligtas at maayos na biyahe ang mga pasahero sa eleksyon, sa Lunes at paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day sa November 1 at November 2.
Samantala, mananatiling regular ang operasyon ng LRT-2 sa mga nabanggit na petsa.
Ang unang biyahe ng tren sa Recto Station at Antipolo Station ay aalis ng 5 AM, habang ang huling biyahe ng tren sa Antipolo Station at Recto Station ay aalis ng 9 PM at 9:30 PM.| ulat ni Diane Lear