Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang kanilang kahandaan para sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE gayundin sa papalapit na Undas.
Sa ipinatawag na pulong balitaan sa Pasig City, sinabi ni MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes na aabot sa 1,448 na mga tauhan ang kanilang ipakakalat sa buong National Capital Region para sa mga nabanggit na okasyon.
Aalalay ang mga ito para sa pagmamando ng trapiko gayundin para magbigay ng kagyat na pagtugon sa panahon ng emergency.
Magkakasa rin aniya ang kanilang Road Emergency Group ng Public Assistance Centers na may tents at standby ambulance sa mga istratehikong lugar kabilang na rin ang mga sementeryo. | ulat ni Jaymark Dagala