Mahigit 900 PDLs sa New Bilibid Prison, nakilahok sa Barangay at SK elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 923 mga Person Deprived of Liberty o PDLs mula sa iba’t ibang Security Compound ng New Bilbid Prison o NBP sa Muntinlupa City ang bumoto para sa Barangay at SK elections 2023 ngayong araw.

Sila ang mga PDL na lehitimong mga botante ng Barangay Poblacion sa Muntinlupa City na pinayagang makaboto dahil wala pa silang isang taon na nakapiit sa NBP.

Isinagawa ang botohan sa multi-purpose hall ng Maximum Security Compound sa loob ng NBP kung saan, bantay sarado ito ng mga tauhan ng Bureau of Corrections.

Ayon sa COMELEC – Muntinlupa, binubuo ito ng 12 clustered precints kung saan nakarehistro ang mga bumotong PDL.

May isang oras din naantala ang botohan na dapat sana’y nagsimula alas-7 ng umaga.

Pero ayon sa coordinator ng mga Board of Election Inspectors na si Ma’am Carolyn Capilla, hinintay pa kasi nila ang mga balota mula sa mother precint sa Muntinlupa City Elementary School.

Aniya, hinintay muna nilang makatapos ang mga sumailalim sa early voting partikular na ang mga senior citizen at persons with disabilities bago dalhin ang mga balota sa NBP.

Gayunman, sinabi ni Ma’am Carolyn na kahit naantala ang pagsisimula ay inaasahan namang hindi na ito aabutin pa ng alas-3 ng hapon na deadline. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us