Arestado ang apat na suspek ng iligal na droga sa pinagsanib na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A at Baclaran Substation sa Roxas Boulevard Service Road, Cuneta Avenue, Barangay 76 sa Pasay City ngayong araw.
Kinilala ng awtoridad ang mga suspek na sina alias Kent, alias Alba, alias Omar, at alias Carlo.
Nakumpiska sa mga ito ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.
Kasalukuyan, nasa kustodiya ng PDEA Region 4A ang mga suspek habang ipinoproseso ang kaso na isasampa sa mga ito.| ulat ni Diane Lear