Mall operating hours ngayong kapaskuhan, babaguhin — MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad ng mga pagbabago sa operasyon ng mga mall sa Metro Manila ngayong panahon ng kapaskuhan.

Ito ang napagkasunduan sa isinagawang pulong sa pagitan ng mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at ng mall owners ngayong araw.

Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Romando Artes, magsisimula ang bagong mall operating hours ganap na alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi.

Epektibo ang bagong mall operating hours simula Nobyembre 13 hanggang Enero 8 ng susunod na taon partikular na sa mga mall na nakapuwesto sa EDSA.

Gayunman, sinabi ni Artes na posible pa aniyang mapaaga ito sa Disyembre 26 o 27 depende pa sa magiging sitwasyon ng trapiko matapos ang Pasko. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us