Kinilala ng militar ang isa sa tatlong NPA na nasawi sa engkwentro sa Barangay Cagay, Leon, Iloilo nitong Biyernes bilang mataas na lider ng NPA sa rehiyon.
Kinilala ang nasawing NPA lider na si Rebecca Alfaro, alias Jing, ang secretary ng Southern Front, Komiteng Rehiyon-Panay (SF, KR-P).
Si alyas Jing, na may kasong attempted murder at paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) at Anti-Terrorism Act of 2020, ang responsable sa pagpaplano at pagsasagawa ng terrorist activities ng NPA sa Panay, kabilang ang paglikida sa mga impormante, at pagsusunog ng construction equipment.
Habang ang kanyang dalawang kasamahan ay kinilalang sina: Jimmy Macuana alias Dennis, member, Suyak Platoon, SF, KR-P at Gerly Tejeros alias Elay, 2nd Deputy Secretary, Education/ Medical Staff of SF, KR-Panay.
Binati ni 3rd Infantry “Spearhead” Division Commander Maj. Gen Marion R Sison ang mga tropa ng 61st Infantry (Hunter) Battalion sa matagumpay na operasyon, kasabay ng pagsabi na ang pagkakanutralisa kay alyas “Jing” ay hudyat ng napipintong katapusan ng mga teroristang komunista sa Panay. | ulat ni Leo Sarne