Umapela ang Metro Manila Council (MMC) sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na sundin ang mga itinakdang panuntunan ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, nakatanggap sila ng ulat na maraming kandidato sa BSKE sa National Capital Region (NCR) ang nakitaan ng paglabag sa COMELEC rules.
Binigyang diin ni Zamora, dapat sundin ng mga kandidato ang panuntunan at maging halimbawa para sila ay igalang ng kanilang nasasakupan.
May mga designated poster areas naman na dapat sundin at dapat iwasan ang mga iligal na aktibidad gaya ng vote buying.
Pinaalalahanan naman ni Zamora ang mga kandidato, na huwag maging sagabal sa daloy ng trapiko upang hindi makaabala sa mga motorista. | ulat ni Jaymark Dagala