Mga bumibisita sa Loyola Memorial Park sa Marikina City, nagsisimula nang dumagsa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Unti-unti nang dumarami ang mga bumibisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa Loyola Memorial Park sa Marikina City ngayong araw.

Ayon sa ilang mga dumalaw, ayaw na nilang sumabay sa dagsa ng mga magsisipagtungo sa sementeryo sa mismong araw ng Undas bukas kaya’t pinili na nilang bisitahin ang puntod ng kanilang mahal sa buhay ngayon.

Patok na rin ang mga bulaklak at kandila na ibinebenta sa bukana ng sementeryo kung saan, nakadepende ang presyo sa laki at ayos ng mga ito.

Ilan sa mga kilalang personalidad na nakalibing sa Loyola Memorial Park sina dating Mayor Bayani Fernando, dating Sen. Miriam Santiago, dating Defense Sec. Angelo Reyes at national artist na si Fernando Amorsolo.

Gayundin ang mga batikang brodkaster na sina Mike Enriquez, Tiya Dely Magpayo, June Kiethly at showbiz personalities na sina German Moreno, Francis Magalona, Julie Vega at iba pa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us