Mga guro sa San Juan City, nakatanggap ng regalo mula sa lokal na pamahalaan bilang bahagi ng selebrasyon ng World Teachers’ Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghandog ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan ng regalo para sa mga guro sa lungsod.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng World Teachers Day bukas, October 5.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, layon ng programa na bigyang pagpupugay at pasasalamat ang dedikasyon ng mga guro para sa mga mag-aaral sa lungsod.

Pinangunahan ni Zamora at ilang opisyal ng lungsod ang pamamahagi ng regalo gaya ng P3,000 tulong pinansyal.

Nagbigay din ang San Juan LGU ng alcohol, isang taong supply ng vitamins, flu vaccine, pneumonia vaccine para sa mga edad 60 pataas, at iba pa.

Tiniyak naman ng San Juan LGU na patuloy na susuportahan ang mga guro sa lungsod. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us