Mga magsasaka sa Nueva Ecija, ikinatuwa ang pagtutok at suporta ni PBBM sa pagpapalago ng produksyon ng palay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinatuwa ng mga grupo ng magsasaka sa lalawigan ng Nueva Ecija ang masaganang ani ng palay ngayong panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Fernando Salvador at mga kapwa magsasaka ng San Jose City, resulta raw ito ng mga libreng binhi at technical support na ipinamahagi ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siya ring kalihim ng Department of Agriculture.

Nagpaabot din sila ng pasasalamat sa Pangulo nang kanyang tiyakin na mananatiling “top priority” ang pagpapalakas ng agricultural productivity, kaakibat ng kanyang pangarap na hindi na iaasa ng Pilipinas sa import ang suplay ng pagkain.

Sinabi pa ni Salvador, mahigit 100 kaban kada ektarya ang kanilang naani ngayong Oktubre na mas marami kumpara sa mga nakaraang taon.

Base sa tala ng DA, aabot sa 532,980 metric tons ng palay ang maaani ngayong Oktubre sa lalawigan ng Nueva Ecija, at 153,000 metric tons naman sa Nobyembre.

Lalo pang ikinatuwa ng mga magsasaka ang naging pahayag ni Pangulong Marcos Jr. na naglagay ang DA ng P4.73 bilyong pondo para sa mechanization at modernization ng sektor ng agrikultura. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us