Mga mangingisdang biktima ng pagbangga ng foreign vessel sa karagatan ng Pangasinan, ibinahagi ang naging karanasan sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humarap sa pagdinig ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones ang mga mangingisdang nakaligtas sa naging pagbangga ng MT Pacific Anna sa kanilang bangka sa karagatan ng Agno, Pangasinan noong Oktubre 2.

Sa pagdinig ay isinalasay ng isa sa mga survivor na si Johnny Manlolo na pasado alas-kwatro ng umaga ay nakasilong sila sa loob ng barko dahil sa malakas na ulan, nang tumila aniya ang ulan ay nagulat sila dahil nabangga na sila ng oil tanker.

Ipinahayag rin ni Manlolo na imposibleng hindi sila namataan ng MT Pacific Anna dahil may mga ilaw ang kanilang bangka at may radar rin dapat ang oil tanker na magsasabing nasa paligid ang sinasakyan nilang FB Dearyn.

May kalakihan rin aniya ang bangka nila kaya kita ito kahit apat na milya pa ang layo.

Sinang-ayunan rin ng Philippine Coast Guard ang pahayag ni Manlolo na dapat ay nakita ng MT Pacific Anna ang FB Dearyn.

Samantala, isa pang mangingisda na survivor ng insidente na si Michael An ang nagpahayag na may takot na sila ngayon na muling maglayag at mangisda sa bahagi ng karagatan kung saan nangyari ang banggaan.

Kaugnay nito, sinabi na ng DOJ na maaaring mag-claim ng damages ang mga biktima mula sa may-ari ng MT Pacific Anna para sa nawala sa kanilang kabuhayan at naranasan nilang emotional damages.

Matapos ang pagdinig sa isyu ay inatasan ni Senate Special Committee Chairperson Francis Tolentino sina DOJ Senior State Counsel Fretti Ganchoon at Captain Leo Bolivar, na country-representative ng Marshall Islands’ Maritime and Corporate Registries, na makipag-usap sa mga mangingisdang nakaligtas at pamilya ng mga nasawing mangingisda para sa magiging takbo ng kanilang kaso laban sa may-ari ng MT Pacific Anna gayundin ang maibibigay na tulong para sa kanila. | ulat ni Nimfa Asuncion

📸: Office of Sen. Francis Tolentino

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us