Mga opisyal ng Sablayan Prison and Penal Farm, inalerto kaugnay sa mga aktibidad ng mga PDL nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inalerto ni Bureau of Corrections o BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang mga opisyal ng Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.

Sa isang pahayag, binilinan ni Catapang ang mga opisyal nito sa nasabing penal farm na maging mapagmatyag at bantayan ang galaw ng kanilang mga Person Deprived of Liberty o PDLs.

Ayon kay Catapang, may nakarating sa kaniyang ulat na may niluluto umanong kilos-protesta ang mga PDL at nangangalap ng pirma sa mga kapwa preso para maghain ng petisyong maibalik sila sa New Bilibid Prisons o NBP sa Muntinlupa City.

Nabatid na inilipat sa Sablayan Prison Farm ang daan-daang high profile inmate at drug lord mula sa NBP kabilang na ang nasa 171 Chinese national na nahatulan dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Sinabi ni Catapang, wala kasing signal ng telekomunikasyon sa Sablayan kaya’t hirap silang magpatuloy sa iligal na gawain kaya’t sinusuhulan ng mga ito ang ilang prison guard para magpuslit ng satellite phone.

Magugunitang inilipat ng BuCor ang mga high profile inmate mula NBP sa iba’t ibang prison farm sa bansa upang i-decongest o mapaluwag ito at mapigilan ang kanilang iligal na gawain. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us