Umabot na sa 2,956 ang mga pulis na inilipat ng pwesto dahil mayroon silang kamag-anak na tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo na ito ay mula sa huling bilang na 2,800.
Base aniya ito sa huling survey ng PNP sa kanilang hanay, para masiguro na manatiling non-partisan ang kapulisan sa darating na halalan.
Sakop ng unit reassignment ang 4th degree consanguinity o hanggang pinsang buo ng mga pulis.
Samantala… nilinaw naman ng PNP na nakipag-ugnayan sila sa Commission on Elections at may basbas ng tanggapan ang ginawang re-assignment ng kanilang mga tauhan. | ulat ni Leo Sarne