MMDA, nagsagawa ng clearing operation sa bahagi ng EDSA – Santolan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa bahagi ng EDSA – Santolan partikular sa ilalim ng flyover.

Dito, sinagip ng mga tauhan ng MMDA ang mga street dweller na piniling manirahan sa ilalim ng naturang flyover na ilang buwan pa lamang naisasaayos ng lokal na pamahalaan

Naging pahirapan pa sa mga miyembro ng clearing operations ang pagsagip sa ilang street dwellers dahil ang ilan sa mga ito ay may alagang aso.

Giit kasi ng MMDA, bawal tirhan ang ilalim ng mga flyover, tulay at iba pang mga pampublikong lugar

Maliban kasi sa usapin ng kalinisan, nakasalalay din dito ang seguridad at kaligtasan ng mga street dweller lalo’t may ilan pa rito ang nakapeperwisyo sa mga motorista. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us