MMDA, nakahandang umalalay sa mga pasaherong maaapektuhan ng ikakasang tigil-pasada sa Lunes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng inter-agency meeting ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para talakayin ang mga hakbang o plano sa ikakasang tigil pasada ng transport group na Manibela sa Lunes.

Pinangunahan ni MMDA General Manager Undersecretary Procopio Lipana ang pulong kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan.

Kabilang sa natalakay sa pulong, ang pagkakaroon ng multi-agency command center sa MMDA Communications and Command Center para i-monitor ang mga mangyayari sa napipintong transport strike.

Ipinag-utos din ni Lipana ang single dispatch sa mga asset o sasakyan ng LGUs at ng mga barangay. Ito ay ilalagay sa mga strategic na lugar para mabilis na magamit ng mga pasaherong maaapektuhan.

Mahigit 20 assets naman ng MMDA ang nakahandang umalalay sa mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada.

Nauna rito ay sinabi ni Manibela President Mar Valbuena, na nasa 600 ruta sa Metro Manila ang maaapektuhan ng tigil-pasada.

Posible rin aniyang magtagal ang tigil-pasada hangga’t hindi dinidinig ang kanilang panawagang suspindihin ang PUV modernization program, at bawiin ang deadline para sa jeepney consolidation. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us