MMDA, pinag-iingat ang mga motorista sa kalsada ngayong maulan na araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga motorista na mag-ingat sa kanilang pagmamaneho upang makaiwas sa aksidente ngayong maulang Martes.

Ito’y makaraang makapagtala ng 3 aksidente ang MMDA sa bahagi ng EDSA Ortigas, North at Southbound dahil sa madulas na kalsada dulot ng pag-ulan.

5:25 kaninang umaga nang bumangga ang isang kotse sa orange barrier sa bahagi ng EDSA-Ortigas Southbound pagbaba ng flyover.

Ayon sa driver ng kotse na isang senior citizen, napapikit siya habang nagmamaneho dahil sa antok kaya siya bumangga at nagresulta naman sa mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.

Pasado alas-4 naman ng umaga nang bumangga ang isang ambulansya sa nagmomotorsiklo sa EDSA-Ortigas Northbound flyover.

Nabatid na biglang pumreno ang rider na may angkas na pasahero, dahilan para mabangga ito ng ambulansya na patungo sana sa Philippine Heart Center para magtakbo ng pasyente.

Samantala, pasado alas-4 din ng umaga nang mabiktima ng hit-and-run ang isang jaywalker sa EDSA-Ortigas Northbound sa tapat lang ng Ortigas bus carousel station.

Nagtamo ng fracture sa kanyang kanang binti ang biktima at nalapatan na rin ng paunang lunas. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: MMDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us