Pinaghahandaan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang inaasahang matinding trapiko sa nalalapit na Kapaskuhan.
Kaugnay nito ay plano ng MMDA na palawigin ang oras ng trabaho sa mga field personnel nito hanggang hatinggabi.
Ito ay upang matiyak ang kaligtasan sa mga lansangan sa Metro Manila at mayroong nakaantabay na magmamando sa daloy ng trapiko, lalo na sa panahon ng rush hour.
Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, inilalatag na nila ang mga hakbang kaugnay sa sasalubong na mabigat na trapiko ngayong nalalapit na Holiday season.
Kaugnay nito, ay mahigpit na babantayan ng mga tauhan ng MMDA ang ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila kabilang ang EDSA, C5, Balintawak at Commonwealth Avenue.
Habang nakikipagtulungan na rin ang MMDA sa mga lokal na pamahalaan, para naman matugunan na ang matinding pagbaha sa tuwing malakas ang pag-ulan sa Metro Manila. | ulat ni Diane Lear