MRT-3, handa na sa ‘Oplan Biyaheng Ayos: Barangay at SK Elections at Undas 2023’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas pinaigting na ng pamunuan ng MRT-3 ang kanilang seguridad sa buong linya bilang paghahanda sa Barangay at SK Elections at paggunita ng Undas.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino, tinitiyak ng MRT-3 na may sapat at ligtas na pampublikong transportasyon sa eleksyon sa Oktubre 30 at sa panahon ng Undas.

Sinisiguro din na mayroon silang sapat na bilang ng mga kawani na handang umagapay sa mga pasahero at tumugon sa kanilang mga hinaing kung kinakailangan.

Sinabi pa ni Aquino, nasa maayos na kondisyon ang lahat ng bagon at ang pagde-deploy ng sapat na bilang ng mga tren lalo na sa kasagsagan ng barangay at SK elections at Undas.

Sa ngayon, nasa 18 train sets ang tumatakbo sa revenue tuwing peak hours at nasa tatlo hanggang apat naman ang spare trains. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us