Hindi shabu ang nasabat na kontrabando ng mga awtoridad sa abandonadong sasakyan sa Mabalacat Pampanga noong Agosto.
Ito ang paglilinaw ng National Bureau of Investigation Assistant Dir. Angelito Magno sa isinasagawang imbestigasyon ng Kamara sa serye ng nakumpiskang mga droga sa Pampanga at MICP.
Ayon kay Magno, hindi nila direktang sinabi o kinumpirma na shabu nga ang nakuhang kontrabando sa naiwang sasakyan na tinatayang nasa 200 kilo, bagkus ay pinaghihinalaang iligal na droga lamang.
Nakumpirma naman nang isailalim sa pagsusuri na ito ay hindi shabu bagkus ay dimethyl sulfone.
Ginagamit umano itong extender o adulterant sa paggawa ng shabu.
Kaya hindi malayo ani Magno na mayroong clandestine laboratory ngayon sa bansa na gumagawa ng shabu.
Kasalukuyang nasa kustodiya pa rin ng NBI ang naturang kontrabando dahil sa walang malinaw na guidelines kung dapat ba nila itong i-surrender sa PDEA. | ulat ni Kathleen Jean Forbes