Nawalang gamit ng foreign vlogger na si Wil Dasovich sa Port of Calapan, naibalik ng PPA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad umaksyon ang Philippine Port Authority sa nawalang gamit ng sikat na foreign vlogger na si Wil Dasovich matapos itong mawala sa pantalan ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Kabilang sa mga naibalik kay Dasovich ay ang bag na may lamang camera at iba pang equipment noong ika-2 ng Oktubre taong 2023.

Agad na ni-review ng CCTV Operator na si Juviel Villanueva ang CCTV footage matapos nitong makita ang Facebook post ng blogger na nagsasabing naiwan niya ang nasabing bag sa sinakyan nitong RoRo vessel na may biyaheng Batangas-Calapan.

Pinuntahan naman agad ito ni Terminal Operations Officer on duty na si Karl Anthony Reyes sa Fastcat ramp para kumpirmahin ang lokasyon ng nasabing gamit.

Kinalaunan ay bumalik sa opisina ang kawani ng PPA na bitbit ang gamit ni Wil at pinasa ang kustodiya sa Port Police Division.

Nakipag-ugnayan naman si Port Police Officer Efrelyn Rabino kay Dasovich matapos bigyan ng instruction at maayos na nai-turnover sa pinagkakatiwalaang delivery rider ng pamilya dahil nasa Occidental Mindoro ito nang panahon iyon. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us