NCRPO, nilinaw na vape canister ang sumabog sa parking lot ng NAIA nitong Sabado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang linaw ng National Capital Region Police Office o NCRPO na vape canister ang sumabog sa parking lot ng Ninoy Aquino International Airport nitong Sabado, October 7.

Ayon kay NCRPO Chief Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., isang vape canister ang tinangkang kalasin ni Ginoong Romeo Soriano, 65 taong gulang sa isang basurahan at ito’y kanyang sinunog dahilan ng pagsabog nito.

Nagtamo ng ilang galos si Soriano na agad na nilapatan ng paunang lunas ng medical team ng Manila International Airport Authority.

Dagdag pa ni Nartatez na nasa kustodiya na ng PNP Aviation Security Unit si Soriano para sa iba pang katanungan at imbestigasyon.

Muli namang siniguro ni Nartatez sa publiko na patuloy ang kanilang pagpapaigting ng seguridad sa mga paliparan upang hindi maalarma ang mga pasahero hinggil sa mga napaulat na pagsabog. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us