Inilunsad ng National Housing Authority ang ika-apat na KADIWA pop-up store ng Department of Agriculture sa proyektong pabahay ng ahensya sa Katuparan Village Norzagaray, Bulacan.
Tulad ng ibang Kadiwa store, sinabi ni NHA General Manager Joeben Tai, maaari nang makabili ang benepisyaryo ng Katuparan Village ng mga produktong pang- agrikultura sa murang halaga, gaya ng prutas, gulay, itlog, bigas at sariwang karne ng manok, baboy at baka.
Nauna nang inilunsad ang kauna-unahang KADIWA pop-up store sa pabahay ng NHA sa Eastshine Housing Project sa Tanay Rizal, sunod sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City at kailan lang din sa Bulacan.
Pagtiyak ng Department of Agriculture na lagi itong handang tumugon sa mga komunidad na nagnanais na magkaroon ng KADIWA project .
Patuloy din itong magpapatupad at pagpapalaganap ng adhikain upang matugunan ang food security ng bansa. | ulat ni Rey Ferrer