NHA, namahagi ng cash assistance sa mga nasunugan sa Caloocan City

Facebook
Twitter
LinkedIn

May 44 pamilya na biktima ng sunog sa Caloocan City ang binigyan ng tulong pinansyal ng National Housing Authority.

Ang mga benepisyaryo ay nakatira sa Barangay 154 at 185 at nawalan ng tirahan nang matupok sa naganap na sunog.

Ayon sa NHA, bawat pamilya ay nakatanggap ng tig-₱10,000 cash aid mula sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng ahensya.

Ang perang bigay ng ahensya ay maaaring gamitin ng mga biktima ng sunog sa pagpapaayos o pagpapatayo ng kanilang bagong tirahan. | ulat ni Rey Ferrer

📷: NHA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us