Makakatulong sa 434 na residente at sa kampanya kontra chikungunya sa Paracelis, Mountain Province ang dalawang milyong piso na pondo para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged at Displaced Workers (TUPAD) mula sa Department of Labor and Employment o DOLE-Cordillera Administrative Region, regional office.
Ayon sa LGU paracelis, naisagawa na ang orientasyon at nakapagpirma na rin ng kontrata ang karamihan sa mga benepisyaryo para sa pagpapatupad ng naturang programa.
Tutulong ang mga ito sa mga barangay LGU sa pag-implementa ng Tepok LamoK sa pamamagitan ng paglilinis sa kapaligiran lalo na ang mga lugar na pinamumugaran ng lamok upang makatulong sa pagbaba ng kasalukuyang Chikungunya virus outbreak sa bayan.
Bawat benepisyaryo nitong TUPAD ay magtatrabaho ng sampung araw.
Nagpahayag ng pasasalamat si Paracelis Mayor Marcos Ayangwa sa Department of Labor and Employment sa pagapruba ng naturang pondo.
Matatandaan na nasa state of calamity ang bayan simula noong nakaraang buwan dahil sa pagsipa ng kaso ng Chikungunya doon. | ulat ni Donalyn Balio | RP1 Bontoc