Pagdagsa ng mga pasahero sa PITX, inaasahang magsimula ngayong araw; biyahero inaasahang aabot sa 1.6 milyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula ngayong araw ng Biyernes, inaasahan na mararamdaman na ang ‘holiday exodus’ o pagdagsa ng mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange para umuwi o magbakasyon sa probinsya ngayong Barangay at SK Elections at Undas.

Ayon kay Jason Salvador, tagapagsalita ng PITX, inaasahang aabot ng 1.6 milyon ang pasahero ngayong holiday.

Tiniyak naman ni Salvdor na mayroong sapat na bilang ng masasakyan ang mga pasashero matapos ang koordinasyon sa Land Transportation Office para sa’ special permit’ ng mga bus.

Sa ngayon, may booth na ang LTFRB sa PITX para sa dagdag na masasakayan kung kinakailangan.

Ganun din ang Land Transportation Office para tiyakin ang ‘roadworthiness’ ng mga bus at random drug test para sa mga driver.

Payo ni salavador sa mga pasahero, mag advance booking para tiyak na may na masasakyan at ‘di na pipila nang mahaba.

Bagamat walang limit ang bagahe sa bus, pinapayuhan pa rin ang mga pasahero na ‘travel light’ o ‘wag na magdala ng maraming gamit bilang konsiderasyon sa iba pang pasahero.

Sa ngayon ‘di pa ganUn karami ang tao sa PITX pero ngayong hapon pagtapos ng trabaho at klase ay inaasahang mararamdaman na ang pagdagsa ng pasahero. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us