Pagkakasabat ng mahigit 200 kilo ng shabu sa Manila International Container Port, kinumpirma ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinasailalim na sa imbentaryo ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang nasa tinatayang 270 kilo ng shabu na nasabat ng mga awtoridad sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila.

Ito ang inihayag ngayong hapon ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief,  Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Kampo Crame, ngayong hapon.

Ayon kay Fajardo, nakatanggap ng impormasyon ang PNP Drug Enforcement Group (PDEG) hinggil sa paparating na shipment sa MICP nitong weekend.

Kanina naman, sanib-puwersang ininspeksyon ng mga awtoridad ang dumating na kontrabando at doon nagpositibong mga iligal na droga ang laman nito.

Kasunod niyan, sinabi ni Fajardo na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasamsam na shabu sa sandaling matapos na ang isinasagawang imbentaryo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us