Pagtatayo ng limang proyektong pabahay sa Laguna at Quezon, umarangkada na – NHA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang groundbreaking ceremony para sa limang proyektong pabahay ng NHA at Department of Transportation (DOTr) sa mga probinsiya ng Laguna at Quezon.

Ang mga proyektong ito ay para sa 3,651 informal settler families na maaapektuhan ng South Long Houl Project- Segment 3 ng Philippine National Railways (PNR).

Ito ay ang St. Barts Southville Heights sa San Pablo Laguna, Sanaya Residences sa Sariaya Quezon, Vista Del Rio Residences sa Pagbilao Quezon, Villa del Rancho Homes sa Tiaong Quezon at Banahaw View Residences sa Candelaria Quezon.

Dumalo rin sa nasabing okasyon sina DOTr Secretary Jaime Bautista, DHSUD Undersecretary Garry De Guzman, PNR General Manager Jeremy Regino at NHA Region 4 Manager Roderick Ibañez.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us