Pamilya ng isa pang OFW na nasawi sa pag-atake ng Hamas sa Israel, tinulungan na rin ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn


Agad na nagpaabot na rin ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng ikatlong OFW na nasawi sa pag-atake ng Hamas sa Israel.

Ayon sa DSWD, nabisita na ng mga tauhan ng Field Office-6 (Western Visayas) ang mga kaanak ni Loreta Villarin Alacre sa Cadiz City, Northern Negros.

Bitbit ng kagawaran ang inisyal na cash aid para sa pamilya nito na nagkakahalaga P40,000.

Kabilang rito ang P20,000 educational assistance para sa dalawang pamangkin ni Loreta na nag-aaral sa kolehiyo; P10,000 halaga ng food subsidy; at P10,000 cash aid para sa kaanak ng nasawing OFW.

Bukod naman dito ay pinag-aaralan na rin ng DSWD ang pagbibigay pa ng livelihood assistance sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP).

“DSWD Field Office social workers continue to monitor and assess the situation of the family in order to extend other appropriate interventions that they may need as they go through this difficult period,” ani Director Nochete.

Ang nasawing OFW ay isang caregiver na kasama sa nadamay sa pag-atake ng Hamas militant group sa isang music festival malapit sa Gaza Strip.

Una na ring naghatid ng tulong ang DSWD sa pamilya ng dalawa pang OFW na unang nakumpirmang nasawi sa kaguluhan sa Israel. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us