Tuloy-tuloy ang pamahalaan sa pamamahagi ng ayuda sa community rice vendors o sari sari store rice vendors ngayong araw.
Ngayong ikalawang araw ng bigayan ng ayuda, nasa 534 na may-ari ng sari-sari store na nagbebenta ng bigas sa Maynila ang nakatanggap ng pinansyal na tulong ng gobyerno.
Ayon sa Manila Public Information Office, ang mga naturang benepisyaryo ay mula sa Districts 3, 4 at 6 ng lungsod.
Ginawa ang distribusyon sa Dapitan Sports Complex ngayong araw.
Ang bawat rice vendor ay nakatanggap ng tig-P15,000.
Katuwang ng Manila LGU sa pamamahagi ay Department of Social Welfare and Development o DSWD at Department of Trade and Industry o DTI.
Samantala bukas, o ang ikatlong araw ng distribusyon ng financial assistance ay gagawin sa San Andres Complex.
Matatandaan na iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyan rin ng ayuda ang mga sari-sari store na kasamang apektado ng ipinatupad na “price cap” ng bigas. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Manila PIO