Pinakamaraming medalya sa track and field events ng ROTC Games, nakamit ng City of Malabon University

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinakamaraming medalya ang nakamit ng City of Malabon University (CMU) cadets sa walong kategorya ng track and field event sa Philippine Reserve Officer Training Corps (ROTC) Games 2023.

Sa awarding ceremony sa PhilSports Complex Track and Field Oval, Pasig City, nitong Miyerkules, ginawaran ng tatlong gintong medalya ang CMU cadets sa 4×100-meter relay men, at 4×400-meter relay men and women category; at apat na silver at isang bronze sa iba pang kategorya.

Pumangalawa naman ang Rizal Technological University (RTU) na nakakuha ng 3 ginto sa 100-meter men and women, at 200-meter men, at isang silver sa 200-meter women category.

Habang pumangatlo ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) Sta. Mesa na nakakuha ng ginto sa 4×100-meter relay women at isang silver sa 4×400-meter relay women.

Ang palaro na may temang “Tibay at Galing Pagyamanin, Suportahan Palarong ROTC Natin,” ay nilahukan ng ROTC cadets mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad na nagpapaligsahan sa track and field, basketball, volleyball, arnis, boxing, kickboxing, athletics, at e-games.

Bukas isasagawa ang closing ceremony sa Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila na pangungunahan ni Sen. Francis Tolentino at Department of National Defense (DND) Sec. Gilbert Teodoro. | ulat ni Leo Sarne

📷: Pvt. Divino S. Lozano, OACPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us