PITX, naghahanda na sa paparating na BSKE at Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghahanda na ang Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX para sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong darating na Undas at Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay PITX Corporate Affairs Head Jason Salvador, inaasahang aabot sa 1.6 milyong biyahero ang dadagsa sa naturang terminal sa darating na Undas at BSKE.

Kaugay nito ay nagsagawa ang PITX katuwang ang Land Transportation Office o LTO ng road worthiness inspections at mandatory drug test sa 100 drivers kung saan lima ang nagpositibo sa nasabing test.

Muli namang siniguro ng PITX sa publiko na paiigtiingin nito ang seguridad ng naturang terminal upang maging ligtas ang bawat biyahe ng mga pasaherong uuwi ng kani-kanilang probinsya. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us