PNP, iimbestigahan ang umano’y pag-escort ng mga pulis sa POGO operator

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniimbestigahan na ngayon ng Philippine National Police o PNP ang impormasyon na ilang tauhan umano ng Highway Patrol Group ang nagsisilbing escort ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Ayon kay PNP Public Information Office o PIO Chief, P/Col. Jean Fajardo, maaaring patawan ng paglabag sa Memorandum Circular 2016-002 ang sinumang pulis na mapatutunayang sangkot dito.

Nag-ugat ang usapin sa post ni dating Sen. Panfilo Lacson sa social media na ilang tauhan aniya ng PNP-HPG ang nagsisilbing hagad o escort ng mga nagpapatakbo ng POGO.

Giit ni Fajardo, salig sa batas, tanging ang matataas na opisyal ng pamahalaan gaya ng Presidente, Bise Presidente, Pangulo ng Senado, Speaker ng Kamara at Punong Mahistrado ng Korte Suprema ang dapat bigyan ng police escort.

May ilan ding opisyal ng pamahalaan ang binibigyan ng police escort gayundin ang ilang pribadong indibidwal na may banta sa kanilang seguridad depende sa assessment ng PNP-Civil Security Group.

Kung mapatutunayang walang request na ipinaabot ang mga nagpapatakbo ng POGO sa PNP, maaaring maharap sa suspensyon o demosyon ang mga pulis na nagsisilbing escort nito sa kanilang sariling kapasidad. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us