Walang nakikitang seryosong banta ang Philippine National Police (PNP) sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), na idaraos sa susunod na Lunes.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong hapon.
Ayon kay Acorda, 356 barangays ang klasipikado sa ilalim ng red category o “areas of grave concern”; 1,323 sa orange category; 1,231 sa yellow category; at 39, 114 ang walang problemang panseguridad.
Karamihan aniya sa mga lugar na nasa red category ay nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kaya nagpadala na ang PNP ng 800 pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at Special Action Force sa rehiyon bilang augmentation force.
Bukod dito aniya ay “in order” ang pangkalahatang sitwasyon sa buong bansa, at “Go” na ang lahat para sa halalan sa Lunes. | ulat ni Leo Sarne