Police Regional Office 10, may bago nang Regional Director

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang nanungkulan si Police Brigadier General Ricardo Layug Jr. bilang Acting Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 10 o Northern Mindanao.

Pinalitan ni Layug si Police Brigadier General Lawrence Coop sa isinagawang turnover of command ceremony sa Camp Alagar sa Lapasan, Cagayan de Oro City na pinangunahan ni Area Police Command-Eastern Mindanao Commander Police Lieutenant General Filmore Escobal kahapon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni BGen. Layug na gagamitin niyang pundasyon ang mga magandang nagawa ni BGen. Coop upang mapaangat pa ang kakayahan ng PRO 10 sa paglilingkod sa mga mamamayan.

Binigyang-diin ni Layug ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pakikipag-ugnayan sa komunidad sa pagkamit ng kapayapaan at seguridad sa Rehiyon.

Bago maitalaga sa pwesto, si Layug ay nagsilbi bilang director ng PNP Engineering Service at hepe ng PNP Aviation Security Unit sa National Capital Region (NCR).

Siya ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Tagapaglunsad” Class of 1993. | ulat ni Leo Sarne

📷 PRO-10

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us