Proteksyon ng Israeli community sa Pilipinas, tiniyak ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na binabantayan ng Philippine National Police o PNP ang Israeli community sa Pilipinas.

Ito’y bahagi ng kanilang pagbabantay sa posibleng ‘spill over’ sa bansa ng nagpapatuloy na gulo sa Israel.

Pero pagtitiyak ni PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr., wala naman silang namo-monitor na mga sympathizer na posibleng magsamantala sa sitwasyon.

Una rito, naghigpit na rin ang Jewish community sa Pilipinas kung saan, bawal papasukin sa mga synagogue ang mga hindi hudyo at nagbibigay din sila ng ‘pass’ sa mga miyembro bilang bahagi na rin ng pag-iingat.

Kasunod nito, sinabi ni Acorda na mahigpit ang pakikipagtulungan ng PNP sa iba’t ibang komunidad sa Pilipinas upang protektahan ang kanilang pamayanan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us