Protesta ng Manibela sa tanggapan ng LTFRB, nagdulot ng pagbigat ng trapiko sa East Avenue

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagdulot ng malaking perwisyo sa mga motorista sa kahabaan ng East Avenue ang ikinasang transport caravan ng grupong Manibela na tumigil sa gitna ng kalsada sa harap ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Parehong lane ang naapektuhan ng transport caravan dahil hinambalang ng grupo ang kanilang mga dalang sasakyan at jeep sa kalsada at nagsagawa ng programa sa tapat ng LTFRB.

Higit 30 minuto rin nagtagal ang programa ng grupo bago dumiretso patungong Mendiola.

Nagtulong-tulong naman ang mga tauhan ng MMDA, QCPD District Traffic Enforcement Unit (DTEU) at QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) para alalayan ang mga naapektuhang motorista.

Una nang kinumpirma ni QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) OIC Dexter Cardenas na hindi naramdaman sa QC ang transport strike dahil marami ang bumiyeng mga jeepney at walang na-stranded na pasahero kaninang morning rush hour.

Magpapatuloy ang pagde-deploy ng QC LGU ng mga libreng sakay na bus at e-trike hanggang mamayang gabi para alalayan ang mga commuter. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us