Publiko, kinalma ng PNP makaraan ang sunod-sunod na mga naitatalang kaso ng bomb threat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad na makapamiminsala sa kaayusan at kapayapaan ng bansa.

Ito ang pagtitiyak ng PNP makaraan ang sunod-sunod na mga naitatalang kaso ng bomb threat, partikular na sa mga paliparan noong isang linggo.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, puspusan ang ginagawang paneling ng PNP Aviation Security Group sa mga paliparan sa buong bansa upang tiyakin ang kaligtasan ng mga biyahero.

Pinaigting na rin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang presensya ng Pulisya sa mga istratehikong lugar upang hindi masalisihan ng mga nagtatangkang maghasik ng gulo.

Magugunita nito lamang isang linggo, ang sunod-sunod na mga insidente ng pagsabog gayundin ng mga natatanggap na bomb threat sa mga eroplano at paliparan.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us