Pulis na karelasyon ng nawawalang Batangas beauty queen, iniimbestigahan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinunyag ni Police Regional Office 4A (PRO 4A) Regional Director Police Brig Gen. Kenneth Lucas na iniimbestigahan nila ang isang pulis opisyal na umano’y ka relasyon ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.

Nilinaw naman ng heneral na hindi pa itinuturing na suspek ang umano’y police major sa pagkawala ni Camilon.

Binigyang diin ni BGen. Lucas na ‘person of interest’ pa lang ito sa kaso, base sa mga pahayag ng testigo at mga text message na siya ang huling kasama ng dalaga.

Ayon kay Lucas, na-relieve na ang naturang pulis at inilipat sa Regional Police Holding and Accounting Unit (RPHAO) habang gumugulong ang imbestigasyon.

Umaasa naman ang heneral na matatagpuan nang buhay si Camilon.

Nabatid na umabot na sa P250,000 ang reward money para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng nawawalang beauty queen.

Matatandaang October 12 pa napaulat ang pagkawala ni Camilon na kumatawan sa Batangas sa Miss Grand Philippines 2023 pageant. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us