QCPD Chief, nagsagawa ng ocular inspection sa gusali na pinangyarihan ng hazing na ikinamatay ng estudyante

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasama ang mga imbestigador, nagsagawa ng ocular inspection si QCPD Director PGeneral Redrico Maranan sa lugar na pinangyarihan ng ‘hazing’ na ikinamatay ng estudyanteng si Ahldryn Bravante kahapon.

Binalikan ng Quezon City Police District ang abandonadong STEPS Condominium sa Calamba St., Brgy. Sto Domingo, Quezon City bilang bahagi ng isinasagawang imbestigasyon.

Sa inspection inatasan ni General Maranan ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU)na si PMajor Dondon Llapitan na alamin kung sino ang nagbabantay sa entrance ng maliit na daanan bago makapasok sa abandonadong estruktura.

Pinahahanap na rin ni General Maranan ang CCTV Camera na maaring nakapagrekord ng video sa pagpasok ng grupo na mga miyebro ng Tau Gamma Phi na nagsagawa ng initiation rites.

Bandang hapon nang magsimula ang initiation sa neophyte member na si Bravante.

Matapos lamang ang mahigit apat na oras nakaramdam na ng hirap sa paghinga hanggang sa mamatay si Bravante bago pa man makarating sa Chinese General Hospital.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us