Nagpalala si Quezon City Police District (QCPD) Director Brigadier General Redrico Maranan sa mga kandidato at kapulisan ngayong nagsimula na ang 10 araw na kampanya para sa Barangay at Sanggunian Kabataan Elections 2023.
Ayon kay Maranan, dapat panatilihin ang integridad ng QCPD ngayong kampanya.
Nagbabala din ito sa lahat ng QCPD Station Commanders na walang puwang sa kapulisan ang pagkiling o pagkampi sa kahit sinong kandidato.
Ani Maranan, hindi kukunsitihin ng QCPD ang anumang pagkampi sa isang kandidato, at kapag napatunayang aniyang sangkot sa partisan politics ang sinumang pulis ay sasampahan ito ng kaukulang kaso.
Nagpaalala rin ito sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na sumunod sa batas at mga alituntunin ng Commission on Elections (COMELEC) para sa mapayapa at patas na halalan. | ulat ni Diane Angela Lear