Road reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila, ikakasa ng DPWH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ng road reblocking at repairs sa ilang kalsda sa Metro Manila ang Department of Public Works and Highways (DPWH), simula mamayang gabi.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang road repairs mamayang alas-11 ng gabi, October 31 hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, November 6.

Limang kalsada ang isasaillaim sa repairs kabilang dito ang:

1. C-5 Road (SB), Lane 2 (Harap ng Shell), Pasig City

2. EDSA (SB), Annapolis hanggang Connecticut (Intermittent, Outer Lane), San Juan City

3. EDSA (SB), Pagkalagpas ng Malibay Bridge (Outer Lane), Pasay City

4. EDSA (NB), Sa pagitan ng G. De Jesus St. hanggang Gen. Tirona St., Caloocan City

5. Rizal Ave. Exit. (NB), Sa pagitan ng 11th Ave. at Bustamante St. (1st lane), Caloocan City

Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta, upang hindi maabala ang kanilang biyahe sa mga nabanggit na oras ng gagawing pagkukumpuni ng kalsada. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us