San Juan Mayor Francis Zamora hinikayat ang mga kabataan na bumoto para sa SK Elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni San Juan Mayor Francis Zamora ang mga kabataan na bumoto para sa Sangguniang Kabataan.

Ayon kay Zamora, mismong ang kaniyang mga anak na nasa ‘voting age’ ay hinikayat niya na bumoto para sa SK.

Punto pa ng alkalde, tulad ng mga opisyal ng barangay, dapat din piliing mabuti ng mga kabataan ang ihahalal na SK officials.

Dapat aniya tandaan na malaking pondo ang inilalaan para sa youth sector kaya dapat ay responsableng mga opisyal ang iboto upang tunay na maisulong ang kanilang kapakanan.

Sa pangkalahatan ay mapayapa naman ani Zamora ang sitwasyon ng eleksyon sa San Juan at wala naman naitatalang ‘untoward incident’. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us