Naghatid ng tulong si Sen. Imee Marcos sa 2,000 estudyante ng City of Malabon University.
Mainit ang naging pagtanggap ng mga estudyante sa senador sa pagbisita nito sa naturang unibersidad kaninang umaga.
Kasama si Malabon Mayor Jeannie Sandoval, pinangunahan ng senador ang distribusyon ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development sa mga estudyante bilang tulong sa kanilang pag-aaral.
Ang bawat benepisyaryo nito ay nakatanggap ng tig-P5,000 financial assistance.
Ayon kay Sen. Marcos, prayoridad nito sa pamamahagi ng tulong pinansyal ang mga unibersidad na itinataguyod ng mga lokal na pamahalaan gaya ng CMU.
Dito kasi aniya sa mga eskwelahang ito nag-aaral ang mga estudyanteng tunay na nagangailangan ng tulong ng pamahalaan.
Bukod sa cash aid, naglaan din si Sen. Imee Marcos ng 10 computer sets na maaaring mapakinabangan ng mga estudyante ng CMU.
Nagpasalamat naman si Malabon Mayor Jeannie sa suporta ng senadora sa mga estudyante ng lungsod.
“We extend our heartfelt gratitude to Senator Imee Marcos, who, through her tireless dedication and unwavering support, has made today’s event possible. Her commitment to education as a tool for empowerment and progress mirrors the values that we hold dear in Malabon – compassion, unity, and the pursuit of a brighter future.” Pahayag ni Mayor Jeannie Sandoval. | ulat ni Merry Ann Bastasa