Sen. Imee Marcos, pinangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa mga lungsod ng San Juan, Mandaluyong at Pasig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-ikot ang tinaguriang “Super Ate” na si Sen. Imee Marcos at namahagi ng ayuda o ang Assistance to Individuals in Crisis (AICS) Situation sa mga lungsod ng San Juan, Mandaluyong at Pasig ngayong araw.

Kasama si San Juan City Mayor Francis Zamora, aabot sa 1,500 miyembro ng Tricycle Operators Driver’s Association o TODA ang nakinabang sa pamamahagi ng ayuda sa lungsod.

₱3,000 ang tinanggap ng mga tsuper ng tricycle na benepisyaryo ng programa mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD

Matapos nito, nagtungo naman si Sen. Marcos sa Rizal Technological University sa Mandaluyong City at Pamantasan ng Lungsod ng Pasig kung saan, 2,000 benepisyaryo ang nakatanggap ng tig-₱5,000 pisong ayuda. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us